Sulat ni Nanay at Tatay
Just want to share this wonderful article wrote by Rev. Fr. Ariel F. Robles, a CWL Spiritual Director of St. Augustine Church in Baliuag, Bulacan. Everytime I read this article all over again, I can’t help not to cry. The message really goes straight to our hearts. Even a cold-hearted person will cry or will get teary-eyed if he or she would read this.
“Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.
Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho.
Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…”










Aztg!! Senglot p aq nun nrinig q to naiyak 2loi aq sa nanay q nun!! ^^,
Joke lng!!
hindi ko mkalimutan, pinalo ako ng tatay ko ng lagari, masakit ,,,pinanood lang nyang dumudugo ang binti ko.. pero noong ako’y makatapos ng vocational tumulong pa rin ako sa pamilya..noong mamamatay na sya sinabi ko..”sige ‘tay ako na ang bahala” pinagpatuloy ko ang misyon nya hanggang makatapos ang mga anak nya… 37 years old na ako nakapag-asawa.
well i can relate to d letter, i have seen kun panu sagutin nan foster mother ko ang lola ko, nd until now it breaks my heart pag na aalala ko, ako kasi nag alaga sa lola ko until sya mamatay, 2 d point na pinalayas kami ng nanay sa bahay, na pinundar ni lolo at lola, nagpagawa kami ni lola ng sarilin haws, ewan ko di ko sila maintindihan kung bakit ganun nila tratuhin si inang, kung murahin ni ating, kung sigawan ni ditse, kung laitin ng mga manugang nya, to the point na ina anghangan ng asawa ni nanay yung pagkain para d kami makakain ni inang, kaya nung ma comatose si inang sa ICU at nag cardiac arrest, d ko na pina resicitate kasi alam ko mas magiging masaya sya sa piling ni tatang, ang lalakas ng iyak nila lahat, ang mahal ng kabaong (metal casket) lahat pakitang tao, sa luob luob ko di na yan mararamdaman ni inang, malamig at matigas na syang bangkay……..
tapos muling naulit kay nanay,si kuya, ganun na lang nya sagotsagutin si nanay, kahit alam nya na ampon lang sya, d man lang nya pinakitang mahal nya si nanay, nagka kanser si nanay at walang wala kaming pera, nangutang kami sa kapatid nyang mayaman na tinulungan nyang makapunta ng amerika, kinuha agad ang titulo ng lupa nya, ako naman nag private nurse para may pang chemo si nanay, nagbu bus sila ni kuya pa maynila para magpagamot, ako naman nag de day off para ma alagaan ko si nanay sa side effect ng chemo, awang awa ako kay nanay, nakakalbo, nanghihina, d namin kaya sya ipa stay sa hospitl dahil sakto sakto lang naman sweldo ko, nung unu mamatay ang asawa ng nanay lalo kami nabaon sa utang, 80,000 ang serbisyo at sa private expensive hospital namatay ang asawa nya, muli kaming nangutang sa kapatin nya muli hinatak na naman ang isang titulo nang lupa, hanggang sa tuluyan nang kumalat ang kanser sa baga ni nanay at di na sya makakain, at makahinga, umuwi nako sa probinsya para sya naman ang ma alagaan ko, ang masakit sakin, namatay ang nanay ko sa district hospital, at gusto pa ng mga kapatid nya na pahirapan ang katawan ni nanay at ilipat sa pinakamahal na hospitl para abutan ng kapatid nya sa amerika, sbi ko wag na, d na yun malalaman at mararamdaman ni nanay, katawan na lang nya ang mahihirapan…..
ngayun nakilala ko na ang tunay kong ina after 30 years kami nagkawalay, nai intindihan ko na sya, at wala akong ibang gagawin kundi mahalin at intindihin sya, habang malakas at buhay pa sya…….
pati sa walanghiya kong ama, paparamdam ko sa kanya ang pagmamahal pag wala na syang matahbuhang iba……
salamat sa pagkakataon na mailabas ko ang sama ng loob ko, gumaan na ang dibdib ko, muli salamat……
aww…..natouch ako sa letter..=( mnakakapagpalambot ng puso, malambot na nga..lumambot pa ng todo…hays! naalala ko nlng lola ko ngaun..siya nlng natitira samin..kahit sirang plaka siya,mejo nakakainis minsan, and my mom and my dad na walang sawang sumusuporta saken just to send me to school..pero hindi nila alam how much i want them to live long pa, how much i love them more than i love myself..awoo! naiiyak ako!..na ako naman magrerepay as simbolo ng aking pagmamahal sknla..=(
narinig ko na ang kwentong ito sa prof ko. at hindi ko alam na Fr. Ariel Robles pla ang ugat ng lahat. Although tampered na ung narinig ko, maganda pa rin siya.
http://myangstspace.blogs.friendster.com/my_angst_space/
ill add u bukas. promise na ito.
hapi new year.
Wow I just remember how the pains and grifs cause by my parents but it was just misunderstandings, I remember our retreat last Oct. 2007 which really healed me to deeply understand and love more and more my parents.
Basically this is one of the best message I have receive or read before this year end, It just make our life significant through the years and for the years to come, giving importance to our parents, that a day will come we are the one who will be a paren-like to them”
hindi ito pagbabayad ng utang sa kanila kundi ito and hiwaga ng pagmamahal ng anak sa kanilang mga magulang at gano’n din sa kanila”
This will testify the fact that we need TO LIVE OUR LIFE TO THE FULLEST and one way for that is to LOVE AND LOVE OUR PARENTS, THE WAY WE LOVE OURSELVES AS GOD LOVES US!
>>thank you for the person who make and share it.. God Bless! apparently you have shown to God the positive use of our Technology in our days, I hope many people will get inspire and imitate this one one of a kind good deed!
kakatouch yung story…kahit paulit-uliting basahin…haysss..lahat ng tao makakarelate
ayun. na add na kita.
salamat! ehehe
ganda ng mensahe nito…
Tunay ngang ang ating mga magulang ang nagbigay halaga sa atin, nagpala at nagmahal na walang hinihinging kapalit. sa kanilang pagtanda hindi rin nila tayo inoobliga na sila ay ating pagsilbihan sa halip kapakanan pa rin natin ang palagi nilang iniisip. Maging ulyanin at makalimutin man sila ang pagmamahal nila sa atin ay mananatili. Bilang isang anak nararapat lamang natin silang pagsilbihan at tulungan, umihi man sila at dumumi sa higaan hindi natin sila dapat pandirihan. Sabi nga “kung ano ang ginawa natin sa ating mga magulang ay siya ring gagawin sa atin ng ating mga anak. Bilang isang magulang, dapat nating mahalin ang ating mga supling ng sa gayon mahalin din nila tayo at gabayan sa ating pagtanda.
thank you ha
ang ganda super nakakatouch…..
nakaktouch>>>>>>>>>>>>
hmm…kaiyak aman po…
ang sakit sa dibdib… wala po akong maisip na anumang gawain upang masabi kong napagsilbihan ko na ang aking magulang sa kanilang “unconditional love” na ibinigay sa aming magkakapatid ang salitang “sapat” ay di ukol sa kanilang kadakilaan.
TOTOO!
I first heard this over the radio last December. Teary eyed ako at nakarelate ako ng sobra. I even tell my children to listen also because it leaves a good lesson and values to learn. Thank you Fr. Ariel, for a wondeerful article that awakens alot of emotions and reminded us to be a good children of God..
last year ko pa to actually nabasa, it was just december of the previous year na naging sikat ang sulat na to. Thanks to Ted Failon who read this over DZMM.
nakakatouch naman daw yan.. .but i learn how to appreciate the simple things that my parents did for me.. .and i think kapag tumungtong sila sa ganyang edad.. .im sure its time for me na mabayaran ko ang lahat ng kanilang sinakripisyo para sa kin.. .thank u.. .God bless.. .
na touch aman aq parang aq yan eh!!!!!!!!!!!KAYA MAGBABAGO NA AQ
SANA YUNG IBA MATAMAAN NMN KAU!!!!!!!!!!!!AQ NATAMAAN
More power Fr. Ariel for your inspiring letter!
……….nang nabasa q 2 naging masmaganda ung tingin q sa mama at papa q masbinibigyan q cla ng time, saka ng effort salahat ng binibigay nila saakin kaya nagpapasalamat talaga ako kay God sobra sa kanila?????????////////
beautiful. di ka pa rin nagbabago, sadiq!
ngayon ko lang ito nabasa…at talagang na-touch ako…ang galing talaga ni Fr. Ariel…kakaiba talaga siya…naiiyak tuloy ako…may kakulitan kasi ako…naalala ko tuloy yung mga pangaral ng mama at papa ko…grabe…very touching talaga…because of this, i will strive more to study hard at makatapos with God’s grace kapag nakahanap ako ng good job,ako naman ang gaganti sa kabutihang loob nila..lalo kong na-appreciate ang paghihirap ng parents ko since my birth…until now na college na ako…huhuhu…I thank God for giving me my parents…wala silang kapantay…God bless…
Sorry ma sa lahat ng mga kasalan ko sau, sana patawarin mo ako sorry talga, ngaun alam ko na gagawain ko,, thank you sa letter na i2 ,,
well… dz msg. s veri touching,,, i love it hop guys u wil pass ds to evryone..
i love ds msg.
[...] Sulat ni Nanay at Tatay [...]
emmylee’s blog » Blog Archive » SULAT NI NANAY AT TATAY said this on November 22, 2008 at 5:04 pm |