Letter to Keibi
Dear Keibi,
Sabi ko noon, makita lang kita saglit, okay na ako. Sa wakas, nakita rin kita ulit kanina – 12082011. Kaya lang, hindi ko parin masasabi na okay na ako dahil nakita kita o malungkot ako dahil hindi man lang natin pinansin ang bawat isa. Ewan ko. Hindi ko alam.
Sa dinadami pa ng lugar na pwede kitang makita, sa Shangri-la pa. Paakyat ako ng escalator, pababa ka. Alam kong nakita mo ko dahil nakita kong tumingin ka. Gusto kong lumingon, baka sakaling lumingon ka rin. Gusto kitang habulin, baka sakaling kausapin mo ko. Siguro may kikitain ka, di ka naman basta-basta lumalabas pagkatapos ng trabaho mo lalo na pag umuulan.
Gusto kitang kamustahin. Gusto kitang yakapin.
Habang papunta ako ng MRT, umaasa akong sinundan mo ko. Sinadya kong bagalan ang aking paglalakad para maabutan mo ko. Nagbabakasakali ako pero walang Keibi na sumunod at naiintindihan ko.
Tulala ako sa MRT habang iniisip kita. Inaalala kung pano kita nakilala. Mga masasayang bagay na kasama ka. Pati na rin ang mga tampuhan, away at kwentuhan.
Bakit pa kasi nauso ang facebook? Eh di sana hindi kita nakita at inadd. Pero hindi ako nagsisisi.
Ano ba kasi ang meron ka at hindi kita makalimutan ha? Tangin-a naman eh. Alam ko naman na kasalanan ko lahat eh. Aminado naman ako dun pero bakit ang sakit-sakit parin?
Gusto ko na maka-move on. Gusto ko ng closure.
Karma ba ‘to? Wala akong pakialam, gusto ko lang ang kapatawaran mo sa lahat ng ginawa ko. Alam kong wala nang pag-asa magsimula pa muli dahil nasira na lahat.
Maghihintay ako. Sana patawarin mo ko.
I miss you so much, Keibi. ♥









