The Week That Was

•May 13, 2016 • Leave a Comment

Kamusta ka na? Una sa lahat, gusto kong sabihin sa’yo na medyo madrama at may kacornihan ‘tong mga sasabihin ko. Alam ko naman kasi na gusto mo happy-happy lang. Baka kasi hindi ko masabi lahat ng gusto kong sabihin pagkita natin kaya mas pinili kong isulat na lang. At tsaka, baka mauna ang emosyon ko sa mga gusto kong sasabihin sayo. Marami ako narealize lalo na iyong mga pagkakamali ko. Nakatulong iyong pagkawalay ko sa’yo ng isang linggo ngunit parati ka parin nasa isip ko. Sa gabi, kapag nakita ko kung anong oras na, iniisip ko kung nasa trabaho ka na. Kung anong oras ka bumangon at ilang beses mo iniisnooze ang alarm. Sa umaga, kung nakauwi ka na o kung may pupunta ka pa pagkatapos ng trabaho. 

Sorry kung nawalan ka ng oras para sa sarili mo dahil sa halos araw-araw tayo nagkikita. Marahil nabigla ka sa mga nangyari. Nawala sayo iyong oras mo para sa sarili mo at sa ibang mga bagay na gusto mong mag-isa ka lang gumagawa. Nawala iyong personal space mo. Sorry kung makulit ako at dumadating sa point na sarili ko lang iyong inisip ko. Hindi ko man lang inisip kung ano iyong magiging epekto sa part mo. Masyado ako naging mabilis at agresibo. Alam ko napagod ka sa setup na iyon araw-araw. Patawarin mo ako kung gusto kita makita parati dahil nakakasawa kapag nasa isip lang kita. 

Magsimula tayo muli. Hindi na kita ihahatid sa trabaho mo araw-araw para magkaroon ka ng oras sa sarili mo at para sobrang mamiss kita. ‘Yung gigil na miss pagkita natin. Magkikita na lang tayo sa araw na wala kang pasok para hinde maapektuhan ang trabaho mo at hindi ka mapuyat. Hindi ako nangangako na hindi kita papaiyakin ulit pero gagawin ko ang aking makakaya para iiyak ka lang sa saya. Hindi ako nangangakong walang tampuhang magaganap at ng perpektong relasyon. Hindi kita ikakahiyang ipakilala sa lahat ng kakilala ko. Hindi kita isusuko ng ganun kadali. Kahit gaano ka pa kagulo. Hindi ako titigil para mapasaya ka. 
Gusto ko malaman mo na kahit ano ka pa at kahit sino ka pa, karapat-dapat kang mahalin. Tanggap ko ang mga flaws mo, Effy. Lalo na ‘yung kaartehan mo. Tanggap kita bilang ikaw. Gusto ko humingi ng pasensiya sa huling pagkakataon na magiging makulit ako dahil hindi ako bibitaw. Hindi kita bibitawan. Walang dahilan para bitarwan ka. Gaya nga ng sabi ko, kahit ilang beses mo sasabihin na hindi ka karapat-dapat sakin at dapat kitang iwan, hindi ako aalis at hindi ako titigil. Hindi natin kelangan magmadali. Hindi kita minamadali na magcommit. Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka na at hindi titigil ang panliligaw ko dun.

Kung darating ang oras na pumalpak ako, ipaalala mo sakin ang araw na ‘to at kung gaano ko ginusto na makasama ka at bumalik ka. Kahit paulit-ulit mong sabihin na maraming iba diyan, paulit-ulit ko rin ipaintindi sayo na ikaw lang ang katumbas ng lahat ng iyan. Gaya ng sabi sa tula, naniniwala ako na kung magiging masakit man, kung pagdating sa dulo ay patayin man ako sa sakit ng saya na ibinibigay mo, magiging sulit ang lahat dahil naniwala ako sayo.

Oo na, andami ko ng sinabi. Pwede bang patunayan ko na lang? Patunayan ko na lang na hindi ako masamang espiritu. Miss na miss na kita. Sobrang miss na miss ko na iyong kaartehan ng baby gurl ko. 

iRehistro

•November 6, 2015 • Leave a Comment

The Philippine government have been utilizing the advantage of new media technologies to improve public service. One of the services that they utilized using the new media technology is the online application of voters’ registration and transfer of voters’ registration records which started last year. The site will not only provide the registrants the option to select their preferred time to register, it will also give them the option to fill out the form online. This project will lessen the queue at Comelec offices and the workload of personnel encoding the data.

The four-stage model by Layne and Lee (2003) will be used as the evaluation framework in assessing the iRehistro system and its efficiency as e-government in providing service. The first stage (Catalogue) ensures the online presence of the service, catalogue of useful information and the availability of downloadable forms of services. The second stage (Transaction) ensures that citizens can perform online transactions other than its online presence and availability of information and forms. The third and fourth stages ensure that local systems are integrated with higher systems and across different functions respectively which gives the user a one-stop shop experience.

iRehistro is indeed catalogued and has online presence. The online voters registration is categorized according into new registrants, overseas Filipino, deactivated records, transfer of residency or address change, name change due to marriage or court order and incorrect record information. A downloadable form is available for each category and you have the option to fill up the form online or simple just download the form. Theses forms need to be printed and should be brought on the day of your appointment. You also have the option not select for an appointment. Additional instructions are also given for guidance. There is also an option for you to verify your voting status if it is still active or has been deactivated in their records. The online registration main purpose is to set an appointment with preferred Comelec branch. Physical transaction is still needed to complete the process. The information being generated online cannot be directly forwarded to the Comelec office. The process of online registration is centralized with Comelec but it has no integration with other e-government services and across other agencies which is very vital in becoming a one-stop shop. Clearly, iRehistro is still on its beginning stage on being a well-transactional system.

Happy Crush

•November 13, 2014 • 1 Comment

10299009_10154747562555092_4213006913082172553_n

Dear Happy Crush,

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan galing ang term na ‘happy crush’. Sabi nila, ito ay wala lang. Natutuwa ka lang sa isang tao at hindi mo naisip na maging kayo. Hindi rin ito isang biro lamang pero natutuwa ka sa tuwing nakikita mo iyong tao. Swak na swak ka dun.

Pasensiya ka na nga pala, kinulit ka ng ka-team ko. Akala ko kasi nagbibiro lang si kumag na ipapakilala niya ako sa iyo. Hindi pala. Sineryoso niya. Nakakahiya!

Totoo siguro talaga iyong kasabihan na “the eyes are the windows to your soul”. Nung araw na pinakilala ka sa akin, may napansin ako sa mga mata mo. Lungkot. Hindi ordinaryong lungkot. At napatunayan ko iyon nung tinanong kita. Ganun talaga. May mga tao talagang hindi marunong makuntento.

Malalampasan mo rin iyan. Kaya mo yan! Maniwala ka, magiging okay ka. Kapit lang. Ayoko ng nakikita kang malungkot. Hindi ako malakas kay Lord pero pinapanalangin ko na sana maging okay ka na at huwag ka niya pabayaan. At kung dumating ang araw na nakapag-move on ka na, sana makita kitang masaya. Gusto ko makita kang masaya.

Cheer up!

– luckwatchero –

The Year That Was

•January 6, 2014 • 1 Comment

Hi everyone, how are you? How’s 2014 so far? Spent New Year’s Eve alone while chatting with a friend and reading a book at the same time. I’m reading The Fault in our Stars by John Green. I’m on Chapter 5 now. Hopefully, I would be able to finish reading the book this month. It’s been a while since the last time I posted in my blog. A year and five months?  Whoa! That long. I guess I was really preoccupied for the past years. Things have been really tough lately, though. I don’t have anyone to talk about it with so I decided to write it instead.

Year 2013 has been good to me in terms of my career. From January to December, I’ve been one of the best employees. I had a very supportive supervisor. He never gave up on me. He helped me to bounce back and get back on track. Yes, I committed mistakes but he still trusted me. I know there are doubters. In fact, there will always be doubters. We can’t avoid them. No matter what we do, they will always have something to say.  There will always come a time wherein they will remind me of the mistakes I committed. No regrets, just lessons learned.  Unfortunately, my supervisor was transferred to another account. I have a new supervisor now who is very supportive as well.

Last quarter of 2012, I met someone. We dated for quite some time. Around December, we made it official. The only problem was he is discreet. It was the most complicated relationship ever. It is worse than a secret relationship. You don’t get to introduce him to your friends even just as friends. I don’t want to get into details since it has been a roller-coaster ride of emotions. The relationship lasted for a year. Then here comes your so-called friends saying that I was just hallucinating. If only they knew what was really happening. I just don’t get it why they started making up stories. Was it because I never introduced him to them? That is sad. I’m hurt. I guess this is one of those situations where you really get to know who your friends are huh? And what do you do to these kinds of douchebags? You dispose them.

They say life changes every minute of each day. You lose and gain friends. Just like in my case, I realized that my friend was not ever really my friend at all. Most often than not, the person you used to hate can make a really good friend. True enough. I can attest to that. We look and find love and eventually lose it. Then we realized that all along we have been loved.  Mistakes. You do this and that. You sometimes wish you hadn’t done that. But you then become proud because you learn from it and will be one of the experiences that you can share.

In the end you just find yourself happy to be living life, no matter what’s thrown at you. Lessons learned. Mistakes corrected. Blessings earned. Things ended. New doors opened.

Thank you, 2013. Bring it, 2014!

P.S. If you have a twitter account, you can follow me: @luckwatchero.

Forbidden Love

•July 17, 2012 • 2 Comments
Forbidden Love

image credits to the owner

I can still remember the day when I let you know about my feelings. It was something done at the spur of the moment, for it seemed like the right thing to do. I believed that feeling as wonderful and that need not to be kept. As I gathered my courage and thought of the right words, it happened. I had said it. In that brief instant, I had dared to take the risk of a crucial revelation. As much as I dreaded it, I had to remember that one careless confession has put my heart on the line.

I want to see your smile for the last time – the smile that I usually enjoy watching and made me so happy, that you always give when you are always loss for word and you always give when I would ask something. The answer would never come. One smile and the question are lost to oblivion.

I would never forget our last night together and our final glances – the glances that answered a thousand of my questions. Under the warmth of your embrace and the comforting scent of your presence, we witnessed a falling star, a wishing star. It’s about time, I said. It’s time to let you go. I always hoped and prayed with all my heart and soul for time to stand still so that I could spend forever in your embrace. But that moment of tranquillity, I realized that your heart was no wish a star could ever grant. I silently dried my tears against your chest as you pressed your lips into my hair and hugged me tight.

I will never forget all the words you said, all the things you did and all the feelings I felt. No matter how I try to undo everything, this is my inescapable reality. I never thought I would allow myself to fall for someone in the middle of another relationship, much less because I promised that I wouldn’t allow myself to fall. Yet it happened, and I was rendered powerless. But now, I am reminded of the actual state of things and what I have to do. I am reminded that even if I hurt myself in the process, I have to move on. Put all the feelings that I have behind.

I know that moving on is one of the hardest things to do especially if it is against the will of one’s mind and heart. Thus, I know someday, I’ll learn to forget you, and how it felt almost having you. Maybe someday you’ll forget me as well and the beauty of the smiles, glances, touches and words that we once shared.

Remember the day when you to told me to keep it secret and sacred? I did. It will always be. It should be. Much has been said. Much has been done. Love was never meant to be ours. You will never be mine. You could never be mine to keep. Never was, never will be.

Kasiyahan

•May 17, 2012 • 2 Comments

Ang mga matangkad ba ay para sa matangkad lang?
Maliit sa maliit? Gwapo sa gwapo? Panget sa panget?
Mayaman sa mayaman? Matalino sa matalino? Mahirap sa mahirap?
Jologs sa jologs? Jejemon sa jejemon?

Hindi naman diba? Parati naman talagang may exemption to the rule diba?
Kung ganun, bakit may tinatawag pa tayong standards?
Paano mo masasabi na mataas ang standards ng isang tao?
Eh para saan ba talaga yung standards na yan?

Iisa lang naman ang gusto natin lahat diba?
Ang maging masaya. Ang maging maligaya.
Madali lang naman maging masaya. Pero mas gusto natin dun sa kumplikado?
Yung kelangan nasasaktan muna tayo at nahihirapan bago natin makuha yung gusto natin.
Requirement ba na maramdaman mo yung sinasabi nilang “satisfaction” para masabi mong masaya ka na talaga?

Paano mo ba masasabi na kuntento ka na? May mga tao ba talagang marunong makuntento? Kung meron, bakit may mga tao parin nananakit? Naghihiwalay? Nanloloko? Bakit ba parati natin hinahanap kung ano yung kulang? Hindi ba pwedeng magpakasaya tayo sa kung ano yung meron?

Ang buhay kapag masyadong sineryoso, nakakabaliw.

Bakit kadalasan, yung taong gusto natin eh ayaw satin? Yung may gusto satin eh ayaw naman natin? Naniniwala ka ba na may quota ang pag-ibig?

Ayon sa novela ni Ricky Lee,
“Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. I iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.”

Sino pipiliin mo? Yung taong mahal mo o yung taong mahal ka?
Bakit masakit ang katotohanan na minsan kahit gaano ka ka-sweet, kalambing, ka-close, kabait mo sa isang tao, hindi ka pa din niya kayang mahalin?

Saan ka ba liligaya, sa habangbuhay na pagluha o habangbuhay na pagpapaluha? Minsan kasi, kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kailangan mong bitawan kahit gaano mo pa pinahalagahan. Hindi dahil hind mo siya mahal kaya mo siya iiwan, walang matibay na dahilan kundi ang katotohanang hindi ka niya kailangan.

Alin ba ang mas mahirap? Pag-aralang mahalin ang nagmamahal sa iyo o piliting mahalin ka ng mahal mo? Pero paano kung kelan mahal mo na iyong nagmamahal sa iyo saka ka minahal ng mahal mo?

Minsan nga din, dumarating ang pagkakataon na may dalawang taong nagmamahal sa iyo. Pareho ka nilang mahal pero isa lang ang dapat piliin. Sino ang pipiliin mo, iyong handang magparaya o iyong ayaw magpatalo? Ngunit sabi ni Bob Ong, piliin mo daw yung pangalawa. Susundin mo ba siya?

At eto pa, sa mundo daw natin noon kapag nagmahal ka magiging masaya ka dahil sa iyo lang siya. Pero sa mundo natin ngayon, kapag may minahal ka, putsa, malingat ka lang inagaw na ng iba!

Nasa sayo naman yan, kung magpapaagaw ka.
Nasa sayo naman yan, kung hahayaan mo lang siya maagaw ng iba.

Kung darating ang araw na mahanap mo na yung “the one”, ‘wag mo na pakawalan.

Ingatan mo siya.
Alagaan.
Mahalin.
Iibigin.
Pahalagahan.
Intindihin.
Respetuhin.

at higit sa lahat,
‘wag kang mawalan ng oras sa kanya.
Huwag gawing dahilan ang pagiging busy.

Di natin maiwasan na magkaroon ng komplikasyon sa isang relasyon. Kung mangyari man yon, ‘wag na ‘wag kang bibitaw. Hangga’t may natitirang dahilan, hold on.

Diskarte. Atake.
Nasa sayo kung paano ka dumiskarte sa mga oportunidad na ibibigay sayo.
Nasa sayo kung paano ka umatake sa mga problemang haharapin mo.

Sa dami ng mga paraan upang maging masaya, nasa sayo parin kung papano mo gustong makamtan ang kasiyahan na minimithi mo – sa pagibig man yan, trabaho o pamilya.
Sa lagay ko, sa pagibig.

Huwag mong kalimutan ang mga natutunan mo.
Mga tao sa paligid mo lalo na mga mahal mo at mahal ka.
Mga lugar na dinadaan mo.
Mga alaala na nakakapagpapasaya sayo.

Gusto ko maging masaya.
Maligaya.
Maligalig.

Ah, Basta!
Tayo’y magpakasaya!
Sama ka?

Starting Anew

•April 8, 2012 • 2 Comments

“Mas okay nang alam mong wala kang lugar para sa isang tao. Kesa sa binigyan ka nga niya ng lugar hindi mo naman alam kung saan.”

Ouch.
Ansakit.
Tagos dito oh. *sabay turo sa puso*

Kaya ayoko ‘pag petiks ako sa trabaho eh, kung anu-ano ang nababasa ko online. Kung anu-ano yung nagagawa ko at naiisip ko. Nakakaasar. Nakakagago.

Sabi nila, ‘pag malas ka daw sa pag-ibig, swerte ka sa career. Pag malas ka sa career, swerte ka naman daw sa pag-ibig. Eh bakit ako? Malas na nga sa pag-ibig, malas din sa career. Nyemas! Lahat na yata ng kamalasan nasa akin na e. ‘Yung gusto mo, ayaw sa’yo. Yung ayaw mo, gusto ka. Ang gulo. Lahat na lang komplikado. Lahat na lang hindi pwede.

Minsan, tinanong ako ng isa kong kaibigan.

“Handa ka bang mahalin ang isang taong alam mong hindi mapapasayo?”

Natahimik ako. Napaisip. Ganun ang sitwasyon ko ngayon. Kung hindi man, papunta na siguro dun.

Nakilala ko siya online. Anong bago dun? Uso naman yun ngayon. Naka-chat, nagkapalitan ng number at nakapalagayan ng loob. Nasa probinsiya ako nun, nagbabakasyon. Pagbalik ko, nagkita kame. Pinuntahan niya ako sa bahay. Kain lang at DVD marathon lang.

HOHOL ang set-up. Hang-out, hang-out lang.

Sa simula pa lang naman nilinaw na niya na hindi pa siya ready sa bagong relasyon. Kagagaling lang kasi siya sa isang relasyon na tumagal ng tatlong taon. Gusto daw niya muna ang buhay Single. Naintindihan ko naman. Ayoko din naman mamilit at di ko ugali yun.

Masaya ako sa kasama siya. Di siya sweet na tao pero marunong mag-appreciate. Pero, naisip ko kung patuloy kami sa ganitong set-up, baka di ko mapigilan ang sarili kong mahulog ang loob sa kanya.

Mahirap ang ganun. Ayoko ng one-way relationship. Mali, ayoko ng one-way lang ang nararamdaman. Dapat pareho kame. Hindi pwedeng ako lang ang inlove dahil magkakasakitan lang kame. Ayoko lokohin sarili ko.

Ayaw mo ba sakin?” tanong ko.

“Wala akong sinabi!”  sagot niya.

“Let’s take it slow!”  dagdag niya.

Isang tanong, ayaw sagutin ng diretso. Madali naman akong kausap. Kung ayaw, eh di ayaw. Nilinaw ko na sa kanya yun. Pero, iba ang mga sinasabi niya sa pinaparamdam niya sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Wala rin akong karapatan magreklamo.

Last week, niyaya niya ako lumabas ng Martes bago sumapit ang aking kaarawan. Pagdating ng Martes, wala akong narinig tungkol sa lakad. Parang ordinaryong araw lang sa kanya. Hanggang sa nagtext siya na pauwi na siya. Di ko na lang inopen-up tungkol sa lakad. Pero sana sinabihan ako na di tuloy para di na ako umasa. Antanga ko lang, sign na siguro yun para iparating niya na lumayo na ako.

Siguro nga, yun na yun dahil simula nun, naging cold na siya. Naintindihan ko. Tama na siguro. Ayoko na. Di ako manghuhula. Di ako sa Professor X. Okay na rin ‘to, pabor din naman sayo to. Mukhang ‘to rin ang gusto mo. At matagal mo na hinihintay to.

J,

Masaya ako nakilala kita.

Masaya kang kasama.
Swerte ang taong pipiliin mo.
Maiinggit ako sa kanya.
Salamat sa lahat.
Paalam.

Magsisimula na ako ng panibagong buhay.

Mahirap pero kakayanin.
Iba sa nakasanayan pero pipilitin.
Mamimiss kita.

-D