40th Day of Mourning: A Tribute To My Father!

 

Ang bilis ng araw. Parang kelan lang, kasama ko pa ang aking ama. I really miss my father terribly. Nakakapanibago pa ring mamuhay na wala siya. I’m trying my best to get used to it. But I am not yet ready to move on. As a matter of fact, I don’t want to move on. But, do I have a choice?

When I am still a child, he always bring me some candies pagdating niya ng bahay. Pag wala siyang pasok sa trabaho, pinapasyal niya ako at binibilhan ako ng Cloud 9 bago kame umuwi. One time, isinama niya ako sa outing nila ng mga ka-opismate niya. Natatawa nga nun ako kasi sinisiraan nila si erpat sakin, na kesho may bebot daw. Hehe!Not a big deal though, I know how much he loves my mother.

Nung nasa grade school pa ako, nanood kame ng sine tuwing linggo. I can still remember the first movie we watched, May Nagmamahal Sayo. Starring Lorna Tolentino and Ariel Rivera. Haha! Minsan, bumili siya ng butong pakwan nung naood kame ng sine, kinalat niya yung mga balat sa hagdanan. Kaya ayun, pagkabukas nung ilaw nung patapos na yung movie, ang daming kalat. Tawa ako ng tawa nun. Pasaway talaga ‘tong erpat ko. No wonder, sa kanya ako nagmana. And I’m proud of it. Itaga mo pa sa bato.

Fernando Poe Jr was his all-time favorite actor, hindi nga masyado halata na paborito niya yun eh dahil pareho sila ni FPJ may patilya. I can still remember nung palabas pa ang FPJ Action Cinema sa ABS-CBN every Monday, pinupuyatan talaga niya yun. Nung May 2004 Presidential Election, kahit bagong labas siya ng hospital at mahina. Bumoto parin siya. Nung namatay si FPJ, sira ang TV namin nun. Sa kagustuhan na masaksihan ang burol at libing ng kanyang idolo sa telebisyon, pinaayos niya ang telebisyon.

He is more than just a father to me. Kalaro ko sa scrabble dati before we go to sleep. Pag-brownout, pinaglalaruan namin yung kandila. Minsan, gumagawa kami ng anino ng mga kung anong hayop gamit ang aming mga kamay. Hehe!

Regrets? I have some regrets in my life. One of these is when I wasn’t able to tell my father that I am so proud of him and I admire him a lot. And of course, that I love him.

It has been two years since nagsimula siya mag-dialysis dahil sa kanyang kidney. Ganun ang routine niya every Monday and Thursday. Minsan, pag-uwi niya, matamlay siya. I can’t help but to pity him. I know he really wanted na gumaling siya para makasama niya kame. I know, napapagod na siya nun pero pinapakita parin niya na lumalaban siya para hindi kami mawalan ng pag-asa. Minsan nga, pag-uwi niya galing dialysis, hindi tumitigil yung paglabas ng dugo sa sugat niya. At makikita mo sa mukha niya na napapagod na talaga siya.

My mother told us that every night before they go to sleep, sinabi niya na “Nag-didialysis na nga ako pero hindi pa in ako gumagaling.” At binilin na niya ako sa kanila na wag ako pababayaan. Last year, I promised to myself that I am going to complete the 9 mornings of Misa de Gallo. And I am going to wish na gumaling na ang erpat ko. But it was too late.

December 15, 2006. Friday evening. Hindi makakain si erpat kahit anung pilit niya. At hinang-hina siya. Nung sinabi namin sa kanya na isugod na siya sa hospital, nagmatigas pa.

December 16,2006. Saturday. Hindi na makahinga si erpat, nilagyan namin siya ng oxygen at dextrose. Mahina na siya. I was able to attend the first morning of Misa de Gallo. When I arrived home, nakita ko si tatay na ganun parin ang kanyang kalagayan. Mahina at bagsak na ang katawan. Ni hindi ko na nga siya maalalayan sa pagtayo dahil sa sobrang bigat na niya.

At around 7AM, isinugod siya ni ermat at ate sa hospital. Too bad, nung nandun na sa hospital, matagal pa bago siya inasikaso ng mga doktor. At around 8PM, pumunta na ako ng hospital para may makasama si ermat dahil umuwi si ate saglit para asikasuhin kung ano po ang kelangan dalhin sa hospital. Pagdating ko, mahinang mahina na si erpat. Ang sabi ng doktor, kulang daw sa dugo. Hindi pa maisalin sa kanya ang dugo nung oras na yun dahil sarado ang Red Cross, Sunday pa raw makakakuha ng dugo.

At around 9PM, dumating ang nurse. Tinanong kung kumain na si erpat. Hindi makakain si erpat nun dahil sa sobrang hina na siya, ni hindi na nga siya makapagsalita. I wasn’t able to witness his last words. The nurse suggested to put him NGT, its a nasal tube kung saan dadaan ang pagkain.Eh kelangan uminom ni erpat ng gamot nun so we had no choice. Nung ilalagay na ang tube, ako ang humawak sa ulo, mararamdaman mo talaga na nasasaktan siya dahil nagrereact siya habang ipinapasok sa kanyang ilong yung tube. Pagkatapos nun, pinakain na namin siya at pinainom ng gamot thru NGT.

At around 12MN, papakainin na sana siya ulit ni ate thru NGT. Nung ipapasok na yung pagkain sa tube, biglang lumabas ng dugo sa tube.

December 17, 2006. Hindi pa rin tumitigil yung paglabas ng dugo sa tube. Pabalik-balik ako ng botika para bumili ng gamot para maagapan at tumigil yung paglabas ng dugo. Inutusan ulit ako na bumili ng gamot. Pagbalik ko, I saw my mother and my sister crying. They’re talking to my father. It was around 3AM. Sabi nila, kung di na niya kaya, better give up dahil nagawa na namin lahat ng way para gumaling siya. And I can see my father crying, kahit hindi na siya nakakapagsalita, alam kong ayaw pa niya kami iwan because that’s the only time na magkasama kami ng buo dahil matagal nawalay samin ang ate ko dahil sa Manila ito nagtrabaho dati bago siya nagpalipat dito sa Zamboanga.

At around 3:40AM, he finally gave up. It was really hard for me. Habang minamasdan ko yung monitor ng heart beat at pulse rate niya na bumababa hanggang mawala na.

Pang, I MISS YOU SO MUCH! I hope you’re in good hands. You now join FPJ and your siblings in heaven. I LOVE YOU Pang!

~ by luckwatchero on January 27, 2007.

2 Responses to “40th Day of Mourning: A Tribute To My Father!”

  1. your dad knows how much you love him even if you didn’t say anything to him. tatay yan e… nakakaramdam.

    i admire you for being strong…for your family lalo na for nanay. i know what you went through and kahit anong mangyari, nandito lang ako for you.

  2. Di ko rin na-resist na basahin itong entry mo. Dati kc nilagpasan ko ito dahil alam ko maiiyak na naman ako. Di nga ako nagkamali…I”m actually crying habang tina-type ko ito. Hay….

    I know what you went through…I’ve been there not only once but twice. You are right, we have no choice but to stand on our feet and move on…not only for our own sake but for our family’s as well…

    I believe this experience taught you so many things. Sometimes di natin na-re-realize but situations like this actually help us to be a better person. I remmber you saying in your entry “Incomplete” that we should show/express our love to our family while we still can. This only shows that indeed, sad experiences made us realize things na medyo na-ne-neglect natin. You see? There is something positive even in the darkest part of our lives..🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: