Move On!

Minsan, mas okay kung tahimik ka na lang, yung tipong wala kang imik sa sinasabi ng iba at nakikinig ka lang. Then, smile while pretending na lalabas lang sa kabilang tenga mo at parang wala lang dating sayo ang mga sinasabi nila.

Okay naman sa kanila ang ginagawa mong pagtanggap sa mga jokes nila.  Pero ikaw, relax lang kahit minsan ay nakakagago na at pinagmumukha ka nang tanga. Nakakairita yung pakiramdam na ikaw ang ginagamit nila para bumida sa iba. Kamusta naman diba? Pero, subukan mong hiritan sila at ikaw ang gumawa nun sa kanila, ang sasabihin nila sayo ay HARSH ka o di kaya napaka-MEAN mo. Astig diba?

Gusto ko nga minsan sila tanungin kung may salamin ba sila sa bahay nila? Nang sa ganun ay matingnan din nila ang sarili nila sa salamin diba? At para malaman nila kung sino ang mas harsh o mean sa amin. Kung sa bagay, kahit saan nating anggulong tingnan, alam natin na tayo ang bida sa sarili nating istorya. Para bang ikaw ang nang-aapi, ikaw yung kontrabida sa istorya nila pag nagdedegrade ka ng pagkatao nila. Wow! Amazing diba? Eh paano yan, bida din ako sa istorya ko? Isang bida na hindi papayag na matalo. To the extent na tatakutin mo o ano pa man para matiklop mo nang masabi mo sa sarili mo na panalo ka? Sorry, ibahin mo ko. Gusto mo malaman sino mas matatag satin? Tara!

Wala akong pakialam sa kung ano man ang isipin ng ibang tao sakin. Basta ang alam ko, iba ang taong mabait sa taong gago. Iba ang nagbabait-baitan sa naggagagu-gaguhan! Bakit nga ba iba? Natural, lahat tayo ay iba-iba. Kahit kambal nga eh, may kaibahan parin. Angal?

Minsan, mas mabuti pang takot sayo ang mga tao kesa mahal ka nila. Bakit? Pag mahal ka ng mga tao, nasa kanila ang kontrol sayo maging sa ano mang aspeto. Maaaring hindi sa lahat, pero asahan mo na may kontrol sila sayo kahit papano. At ikaw naman, dahil ayaw mong mawala yung pagmamahal nila sayo, you do some sorts just to please them. You act like a superhero to them who is always there when they need you. Hanggang sa marealize mo na inaabuso na nila at pinagsasamantalahan yung kabaitan mo.

Pag takot naman sayo ang mga tao, you learned to establish things that would never make them degrade you. There would be some hesitations on their part to clash with you because they know you that much. Oh saan ka ngayon? Haha!

Ingat tayo sa mga taong dominante. Know who’s real and who is just for reel!  An eye for an eye, a tooth for a tooth. Kung may problema ka sa sakin “kaibigan”, ako ang lapitan mo. Wag yung ibang tao. Sabihin mo sakin, diretsahin mo ko. Balita ko sasama ka sa get together, iwasan na lang ha? Ayoko makipagplastikan eh. Di mo kawalan? Oh eh mas lalong di ko kawalan. Who do you think you are? Hahaha! I pity you. Awww…..

Kung hindi ka pa rin makapagmove-on sa mga nangyari, di ko na problema yun. Kung hinahunting ka na ng kosensiya mo, di ko na rin problema yun. Pero, good news kung maituturing yun ha! Bakit kamo? Eh kasi may konsensiya ka pa eh. Dapat magrorosaryo ka dahil meron ka pa nun. Eh yun ay kung meron pa talaga ha!

Can’t still get over me? Still not my problem. Kung gusto mong gawin akong katawa-tawa sa ibang tao, go on. That’s you. It’s your life. Pero sana naman, may katotohanan na yang mga kwento mo ha! Gaya nung sinabi mo dun sa isang babae na kaibigan mo (na minsan naman ay naging… sige na nga, kaibigan ko rin) ng kung anu-anong kasiraan ang sinasabi ko tungkol sa kanya. How’s that naman diba? So powerful!

Oh eh ang payo ko lang naman sayo ano ay magpakatino ka na. Hindi ka na bata, alam mo yan. You’re on your mid 20’s “kaibigan”, tumatanda ka ata ng paurong. O sadyang pinanganak ka lang na isang gago?  Nga pala, wag mong isipin na pinagaksayahan kita ng oras dito sa blog ko, mabibigo ka lang. Gusto ko lang magsilbi kang halimbawa sa mga taong, alam mo na…yung tipong gaya mo. Hahaha!

“Kaibigan”, iwasan na maging ipokrito! Di na uso yan. Plastikan na ang uso ngayon. Mabenta yun ngayon, subukan mo at baka kumita ka. Magaling ka dun eh!

~ by luckwatchero on October 3, 2007.

21 Responses to “Move On!”

  1. Niccolo Machiavelli’s principle of “It is better to be feared than be loved.” might stand true sometimes…

    i can feel your angst here…sige lang… nakaka-relate ako sa angas na ito. LOL

  2. Yeah! agree na ako kay Machiavelli sa sinabi niya. Hehe!

    Nakakaasar talaga! lol

  3. Kung sino man yan, I hope na maging ok na ulit kau…..someday. =)

  4. Hahahah! Ayoko makipagayos Dong! PERIOD! lol

  5. ok…sinabi mo eh…Lol. pero wish ko lang yan…Hehe

  6. Kapuso ka na?

  7. Haha…Hindi ah…Nagmamahal, Kapamilya…Lol

  8. Wish ko lang ang sabi mo eh!

  9. hindi naman ung program tinutukoy ko ah…..😦 Lolz..Haha

  10. kunwari ka pa dong

  11. hindi ah….😦

  12. asus wag ka na magkaila!

  13. pilitin daw ba ako….

    akalain mo, off topic tau….haha

  14. ibaban na nga kita eh😆

  15. sure…haha…joke lang..

  16. aba! hinahamon mo ako

  17. hindi naman…😦 haha

  18. ok ka tol! astig ng blog mo… patama talaga!

  19. Thanks for the comment, tongs!

  20. i hope you are ok na…

  21. HMM…YOKO NG AWAYYY…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: