Happy!

Nung umalis ako papuntang Manila, lungkot na lungkot ako nun. Kasi nga, mamimiss kita! Natatawa nga ako sa sinasabi ng mga kapwa ko PExers nung get together namin eh, na baka daw may naiwan ako sa Zamboanga. Natatawa na lang ako kasi totoo. Sa katunayan nga, nung paalis ako, picture mo yung ginawa kong wallpaper sa cellphone ko para kahit papano kasama kita. Ewan ko ba, masaya ako pag kasama kita.

 

Natatawa nga ako sa sarili ko, sa halip na mag-enjoy ako sa pagbakasyon ko sa Manila, mas inatupag ko pa ang isipin ka. Diba ng pagkauwi na pagkauwi ko, ikaw ang una kong nakita. Di ko alam kung sinadya ng tadhana yun o sadyang swerte lang ako. Pero kung anu pa man yun, nagpapasalamat ako.

 

Sa ngayon, di ko alam kung ano ba talaga tong nararamdaman ko para sayo. Basta ang alam ko, sa bawat araw na nakikita kita, masaya ako. Sa bawat araw na nakikita ko ang ngiti at mata mo, gumaganda ang araw ko. Balang araw, alam kong lilipas din itong nararamdaman ko para sayo. Kung darating man ang araw na yun, hinding-hindi ko makakalimutan na minsan may nagpasaya sakin na taong gaya mo. Sana kahit papano, napasaya rin kita.

~ by luckwatchero on November 4, 2007.

3 Responses to “Happy!”

  1. salamat at wala akong kaalam alam sa parteng ito ng buhay mo.

    and those PExers… alam kong hindi kami yun…😦

  2. In love si kuya dhenz?….yiheeee. Kaya siguro maaga natulog para mapanaginipan ang kanyang iniirog. Hehe

  3. Mas mataas naman ang pagkakaibigan kaysa sa bf/gf relasyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: