I’m Back, Balakubak!

Whoah! March na pala, hindi ko man lang namalayan. Ambilis ng panahon noh? Parang kelan lang, Pebrero pa lang. Lahat ay sabik sa pagdating ng Valentine’s Day! Di mapakali kung ano ang gagawin sa araw na yun lalo na ang mga may mga lovelife. Karamihan sa kanila, pinaghahandaan talaga. Samantala yung iba naman ay okay na sa simpleng set-up para sa araw na yun. Oh ikaw, paano mo naman ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso?

Ako? Paano nga ba? Hmmm…. Ayun, kasama ko ang mga barkada ko nung araw na yun. Naglaro ng bilyards hanggang sa matapos ang araw. Haha! Eh wala naman kasing lovelife eh. Pero, di naman talaga kelangan na may lovelife para madarama mo ang essence ng Araw ng mga Puso! Haha! Whatever!

Ano ba tong mga naisusulat ko? Puro walang kwenta! Haha! Pasensiya na, na-miss ko lang talaga ang blog ko. Antagal ko na kaya hindi nakapagpost ng entry dito noh? Kaya eto, andaming kwento, ni hindi ko nga alam kung maikwekwento ko lahat. Hindi rin ako sigurado kung maaalala ko lahat sa dami ng mga nangyari nung nakaraang buwan. Haha!

Anak ng Putakte! Tagalog na tagalog ang blog ko ngayon. Whaaaat? Haha! Epekto yata to ng mga pinaggagawa namin sa eskwelahan ng mga barkada ko. Haha! Nung nakaraang taon, halos lahat kame ay nagsasalita ng Chavacano, yung mga malalalim na salita ah! Haha! Tapos nung nakaraang buwan namin, Tagalog naman ang trip namin. Hehe! At ngayong buwan na to, syempre Ingles naman para maiba. Wanna bet? Nyahaha!

Ngarag na ngarag pala kame nung nakaraang buwan dahil sa mga proyekto namin partikular na ang animation namin. Deadline na kasi nun ng draft ng animation eh. Para na rin mapanood ng ibang kagrupo at magbigay ng kani-kanilang kuru-kuro at para narin malaman namin kung may mga bagay pa ba na kelangan namin ayusin. Andami ngang komento ang natanggap namin eh. Kaya ayun, andami tuloy namin kelangan baguhin. Pero okay na rin yun, para mapaganda ang aming animation. Diba? Malapit na pala ang submission ng Final Draft! Haha! Nakapagsimula na kaya kame? Secret! Hahaha!

Since March na, nalalapit na ang Finals. Hinde lang yun, uulan na naman ng mga requirements. Whaaaaat? Stress, Exhaustion and Haggard will strike again. Whapack! Goodluck na lang sa akin! Siya nga pala, nanood ako kanina ng My Big Love. Ako lang mag-isa ah! I need a breather kasi eh kaya ayun pinagtripan ko manood ng sine mag-isa. Para na rin mawala ang pagkabadtrip ko sa kaibigan ko na sobrang late dumating sa usapan namin. Iinterbyuhin kasi dapat namin ang coach ng Varsity Team nila tungkol sa website na gagawin namin. Ugh. Anyway, panoorin niyo ang My Big Love ah. Maganda yung movie. Hehe! Promise!

Oh, paano ba yan. next time na yung ibang kwento. Pangako, sa Ingles ko na isusulat yun. Hahaha! Parang engot eh noh? Haha! May God Bless US! Linggo bukas, wag kaligtaan magsimba at magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyaya ipinagkaloob niya sa atin!🙂

Nga pala, Maligayang Kaarawan sa aking kaibigan na ubod ng kayabangan na si Randy!  Haha!😆

~ by luckwatchero on March 1, 2008.

6 Responses to “I’m Back, Balakubak!”

  1. […] Core Target – Bogdan Gavrila wrote an interesting post today on Iâm Back, Balakubak!Here’s a quick excerpt Whoah! March na pala, hindi ko man lang namalayan. Ambilis ng panahon noh? Parang kelan lang, Pebrero pa lang. Lahat ay sabik sa pagdating ng Valentine’s Day! Di mapakali kung ano ang gagawin sa araw na yun lalo na ang mga may mga lovelife. Karamihan sa kanila, pinaghahandaan talaga. Samantala yung iba naman ay okay na sa simpleng set-up para sa araw na yun. Oh ikaw, paano mo naman ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso? Ako? Paano nga ba? Hmmm…. Ayun, kasama ko ang mga barkada ko nung araw na y […]

  2. I really find this post funny…. I mean, it’s different when written in Tagalog…. Maybe I’ll try that one day… But I’ll not post it on my blog. I don’t think I’m that good in Tagalog…

  3. Hahaha! Actually, i find it awkward whenever I write an article or like this in tagalog. I am not used to it. Haha!

    By the way, thanks for dropping by!🙂

  4. hello balakubak🙂

  5. HOW NICE????
    HEHEH

  6. I am back Kuya Denz… Hehe🙂 Musta naman?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: