Random Thoughts 101

Namiss ko ang pagsusulat. Matagal na rin pala simula nung nag-post ako dito sa blog ko. Andami ko ng napagdaan at natutunan. Ilang kaarawan ko na ba ang nagdaan? Dalawang kaarawan na rin pala. Nasa apat na taon na rin itong blog ko, hindi ko man lang naipagdiwang. Wala rin naman nakaalala.

Sa biglang pag-usbong ng facebook at twitter, uso pa ba ang blogging? May mga bloggers pa rin kaya hanggang ngayon? O kasama na sila sa mga adik sa facebook at twitter. Yung friendster nga, napag-iwanan na ng milya-milya. Kasama din kaya mga bloggers? Andami kong tanong, andami kong gustong malaman. Pati ako kaya, napag-iwanan na rin? Kelangan rin ba ako sumabay sa uso?

Nung isang araw pa ako kating-kati magsulat ulit pagkatapos kong magbasa ulit ng libro. Astig nga eh, natakot pa ako eh di naman horror yung nakasulat. Haha! Excited pa naman ako tapusin yung librong yun pero natakot lang ako sa bandang huli. Letseng manunulat, di man lang nagbigay ng disclaimer! Di tuloy ako nakatulog ng mabuti kaya sabog kinabukasan sa trabaho.

Speaking of trabaho, medyo maganda ang nangyayari sa work ko. Nag-apply ako bilang Team Mentor , sana naman makuha ako. Hehe! Halos lahat ng nag-apply kasi ay magagaling at mas nauna pa sakin. Nakaka-pressure din. Pero ayos lang dahil suportado ako ng aming TL at ng dalawang oso. Kwento ko yung dalawang oso sa susunod pag may time ako magsulat. Hehe!

Gusto ko na umuwi samin, miss ko na ermat ko, ate ko at mga pamangkin ko dun. Susubukan kong umuwi sa August, fiesta kasi dun eh. Sana matuloy ako.🙂

Sige, tulog na ako. Ingats!

~ by luckwatchero on April 18, 2011.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: