The Week That Was

Kamusta ka na? Una sa lahat, gusto kong sabihin sa’yo na medyo madrama at may kacornihan ‘tong mga sasabihin ko. Alam ko naman kasi na gusto mo happy-happy lang. Baka kasi hindi ko masabi lahat ng gusto kong sabihin pagkita natin kaya mas pinili kong isulat na lang. At tsaka, baka mauna ang emosyon ko sa mga gusto kong sasabihin sayo. Marami ako narealize lalo na iyong mga pagkakamali ko. Nakatulong iyong pagkawalay ko sa’yo ng isang linggo ngunit parati ka parin nasa isip ko. Sa gabi, kapag nakita ko kung anong oras na, iniisip ko kung nasa trabaho ka na. Kung anong oras ka bumangon at ilang beses mo iniisnooze ang alarm. Sa umaga, kung nakauwi ka na o kung may pupunta ka pa pagkatapos ng trabaho. 

Sorry kung nawalan ka ng oras para sa sarili mo dahil sa halos araw-araw tayo nagkikita. Marahil nabigla ka sa mga nangyari. Nawala sayo iyong oras mo para sa sarili mo at sa ibang mga bagay na gusto mong mag-isa ka lang gumagawa. Nawala iyong personal space mo. Sorry kung makulit ako at dumadating sa point na sarili ko lang iyong inisip ko. Hindi ko man lang inisip kung ano iyong magiging epekto sa part mo. Masyado ako naging mabilis at agresibo. Alam ko napagod ka sa setup na iyon araw-araw. Patawarin mo ako kung gusto kita makita parati dahil nakakasawa kapag nasa isip lang kita. 

Magsimula tayo muli. Hindi na kita ihahatid sa trabaho mo araw-araw para magkaroon ka ng oras sa sarili mo at para sobrang mamiss kita. ‘Yung gigil na miss pagkita natin. Magkikita na lang tayo sa araw na wala kang pasok para hinde maapektuhan ang trabaho mo at hindi ka mapuyat. Hindi ako nangangako na hindi kita papaiyakin ulit pero gagawin ko ang aking makakaya para iiyak ka lang sa saya. Hindi ako nangangakong walang tampuhang magaganap at ng perpektong relasyon. Hindi kita ikakahiyang ipakilala sa lahat ng kakilala ko. Hindi kita isusuko ng ganun kadali. Kahit gaano ka pa kagulo. Hindi ako titigil para mapasaya ka. 
Gusto ko malaman mo na kahit ano ka pa at kahit sino ka pa, karapat-dapat kang mahalin. Tanggap ko ang mga flaws mo, Effy. Lalo na ‘yung kaartehan mo. Tanggap kita bilang ikaw. Gusto ko humingi ng pasensiya sa huling pagkakataon na magiging makulit ako dahil hindi ako bibitaw. Hindi kita bibitawan. Walang dahilan para bitarwan ka. Gaya nga ng sabi ko, kahit ilang beses mo sasabihin na hindi ka karapat-dapat sakin at dapat kitang iwan, hindi ako aalis at hindi ako titigil. Hindi natin kelangan magmadali. Hindi kita minamadali na magcommit. Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka na at hindi titigil ang panliligaw ko dun.

Kung darating ang oras na pumalpak ako, ipaalala mo sakin ang araw na ‘to at kung gaano ko ginusto na makasama ka at bumalik ka. Kahit paulit-ulit mong sabihin na maraming iba diyan, paulit-ulit ko rin ipaintindi sayo na ikaw lang ang katumbas ng lahat ng iyan. Gaya ng sabi sa tula, naniniwala ako na kung magiging masakit man, kung pagdating sa dulo ay patayin man ako sa sakit ng saya na ibinibigay mo, magiging sulit ang lahat dahil naniwala ako sayo.

Oo na, andami ko ng sinabi. Pwede bang patunayan ko na lang? Patunayan ko na lang na hindi ako masamang espiritu. Miss na miss na kita. Sobrang miss na miss ko na iyong kaartehan ng baby gurl ko. 

~ by luckwatchero on May 13, 2016.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: