Barkada

Huy! Ang saya ko kanina ha! Dahil yun sa iyo, salamat ha! Kahit papano, nakasama kita kahit ilang minuto lang, yung tayong dalawa lang. Hindi ko makakalimutan yun, isa sa mga magagandang pangyayari sa buhay ko yun. Kung sa bagay, yun naman talaga ang tanging hangad ko eh, ang makasama ka talaga, ikaw at ako lang.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ewan! Hindi ko rin maipaliwanag kung ano ba talaga ito.  Nahuhulog na yata ang loob ko sa iyo. Masyado ka na kasi napapalapit sa akin eh. Pero alam kong hindi pwede maging tayo. Kaibigan kasi kita eh. Hanggang dun na lang yun. Period, walang comma.

Naalala mo yung nag-overnight kame sa bahay ng isa nating kaklase? Hindi ka sumama nun. Pero andun ako, umasa na sasama ka rin. Gusto ko kasi makita kung paano ka matulog. Kung ano ang itsura mo habang natutulog. Gusto ko pagmasdan yung maamo mong mukha habang natutulog ka.

“Barkada lang!”, yan ang naibulalas ko sa kanila nung gabing yun. Di kasi tayo talo dahil magbabarkada tayo. Pag barkada kasi, barkada lang talaga. Okay na sakin yung mga konting sulyap ko sayo, yung minsan na nahawakan ko ang kamay mo, natitigan ang mga mata mo at naranasan ang mga tamis ng ngiti mo. Solve na ako dun. Dahil mas ikakasaya ng grupo na barkada lahat tayo, walang ilangan at walang iwasan.

Yun lang muna. Hayaan mo lang na mahalin kita.At sana tanggapin mo sa sarili mo na kahit sino ka pa at kung ano ka pa, karapat-dapat kang mahalin. Kaya nga mahal kita eh!

~ by luckwatchero on October 20, 2007.

3 Responses to “Barkada”

  1. Hi. This blog is nominated for the Filipino Blog of the Week award (week 79). Visit the site and vote. http://salaswildthoughts.blogspot.com/

  2. You joined sana Mindanao bloggers summit.

  3. elow poh ui ganda nung post mo na story about s barkada….
    hehehhehe…..y? nga b pag barkada hangang dunn lng…heheheh..i hope n mabagu ung tadhana mo about dun s brkada hehhehehhe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: